Saturday, May 3, 2008


The Misadventures of Pareng Kambing and Darnok
This happens somewhere along Saudi Arabo, my misadventures with pareng Kambing & co. Ang iba nakakatawa ang iba baka kapulutan nyo ng aral para maging gago rin kayo.

Chapter 1
Location: Messhall, Camp, Office
Ilang buwan na naming kabarkada si Pareng Kambing pero hanggang ngayon hindi pa namin alam bakit namin sya naging barkada. Natatandaaan ko pa nung una naming syang nakita ni Pareng Babu. Kasabay namin sya sa bus na maghahatid samin sa Accomodation galing Airport. Sa pag tanda ko sya ung naka Shirt na body fit yung tipong tinitis na masikip yung damit basta masabi lang Macho. Pero ang totoo lumba lumba si Kambing mga 5’5 ang height na 90 kg. ang timbang.
Darnok: Pre pano nga natin nagging barkada si Kambing?
Pareng Babu: Hindi ko na nga maalala pare eh!
Darnok: San ba kasi natin unang nakita yung monggol nayon?
Pareng Babu: Diba sa Khobar pare? Naka blue yon nung nakita ko eh.
Darnok: Ah oo. Pero pano ba natin nagging barkada yon?
Pareng Babu: Hindi ko na nga matandaan pare eh.
Question: Bakit ba kasi kailangang tanungin pa kung pano namin nagging barkada si Kambing?

A.Nagtatanong lang.
B. Walang mapag usapan.
C. Kambing kasi si kambing
D. All of the above
Hint..Naging Kambing ang tawag namin ni Pareng Babu sa kanya kasi one time na pumunta kami sa office room nya eh nakigamit kami ng Computer nya nakita namin yung mga old pictures nya sa Qatar. Proud na proud pa ang loko kasi akala nya hahanga kami sa mga Qatar Picture nya.
Kambing: Pre yan yung kuha ko sa Doha Olympics yan pare DOHA, QATAR yan.
Tingin kami ni pareng Babu.
Pareng Babu: Ano yan pare?
Darnok: Ikaw bay an pare? Long hair ah. Sino yung kasama mo sa picture? (Pertaining sa Mascot ng Olympics na kambing)
Kambing: Loko Mascot yan.
Pareng Babu: Ay mascot pala yan?
Darnok: Teka nga pare nasan ka ba dyan? Ikaw ba tong may sungay? Nalilito kasi kami kung alin ka dito.
Kambing: Gago, ako yung long hair!
And that was the birth of pareng kambing.

Chapter 2
Location: Recreation Area, Camp
Sa tagal ko nang nabubuhay sa mundo ngayon lang ako naka meet ng tao na wala talagang sport na alam. Ang sabi ni kambing marunong daw syang mag volleyball, kasi alam nyang walang nag lalaro ng volleyball sa camp kaya hindi namin malalaman kung marunong talaga sya o hinde.
Dahil may Table tennis saka basketball coart sa campo minsan naglalaro kami ni Pareng Babu, one time nasama namin si kambing na mag table tennis. Talagang zero sa kaalaman. Ung tipong magaling pa yatang mag laro yung 2nd grader na batang babae sa kanya. Na dehydrate talaga ko sa kakapulot ng bola mapag bigyan lang ang trip nyang matuto mag laro. Araw araw pag katapos ng trabaho talagang sinisigurado nyang mag lalaro kami nila Pareng Babu hanggang 11 p.m ng gabi. Hirap na hirap kaming mag isip ng dahilan matakasan lang sya.
Pareng Babu: Pre ano kaya i lock natin ung pinto pare para wag ng makapasok si kambing?
Darnok: Oo nga noh pre. Oh kaya sabihin nating maglalaba tayo?
Pareng Babu: Nung isang araw nga pre talagang inintay pako matapos mag laba, talagang tinatagalan ko na nga para mainip lang, talagang inintay pako.
Tok tok tok!!!! ”Bukas ng pinto” (kambing) ay syaaa, tara laro na tayo........
Hint: After 6 months natuto narin si kambing mag serve ng bola pero. Pinag aaralan nya naman ngayon kung paano maka score.

Chapter 3
Location: Kwarto nila Pareng Yu.
Dito sa Saudi bawal ang alak. Lahat naman ng pwede nilang ipagbawal alak pa ang naisip nila. Pero alam naman natin ang mga Filipino kung ano ang bawal yun ang gustong gusto nila. Kaya ang iba nag iimbento ng sarili nilang alak (sadique). Sabi nila gawa raw to sa prutas na kinatas,binulok, tapos pinakuluan saka kinuha yung moisture at yun na yung alak ang iba naman gawa raw to sa purong purong katas ng motolite, ibig sabihin tubig ng baterya sa sasakyan(nice). Isang beses nagka kwentuhan kami ni pareng kambing tungkol sa inuman experience namin sa pinas. Sa kwento nya talagang malakas daw syang uminom. Yung tipong hindi sya nawawalan ng frozen beer sa ref.
Darnok: Pano pre Friday ngaun kung sa pinas lang to inuman na tayo sigurado.
Pareng Kambing: Kaya nga pare eh.
Darnok: Pre sila Manoj laging umiinom ng sadique eh i try kaya natin, may tama rin daw eh.
Pareng Kambing: Sige pare kaso wala akong budget dito eh. ( yung boses na may halong nerbyos kasi baka matuloy,)
Darnok: Sige pre ako na bahala (boses na giyang na giyang na uminom)
Pareng Kambing: Ok
Around 8 p.m kwarto nila Yu. Allset nakahanda ang sadique, pang halo, pulutan. Syempre tipikal na inuman kwentuhan. Gaguhan, nuod ng T.V kantahan. Ang lakas rin pala ng tama ng sadique. Nung mga nakakailang bote na kami lasing na si kambing. Kung saan saan na napupunta yung usapan. Peron ang main topic talaga na gusto nya eh yung tungkol sa biyanan nyang babae.
Ullas: Ah ano nga palang position mo ngaun sa company pare.
Kambing: Ah sa ngaun clerk palang ako pero Manager talaga ko sa pinas, ah LAW ang pinag aralan ko.
Ullas: Ah ganun ba?
Kambing: Oo, Pero bago ko umalis nag ka problema ako sa byanan ko. (maluhaluha ang mata)
Ullas: Ano yun Pre kwento mo baka makatulong ako.
At dun na nag simulang ma focus ang attention namin sa kanilang dalawa. Nagulat na lang ako nung nakita kong luhaan na si pareng kambing. Dala siguro ng pagkalasing.
2 a.m niyaya ko na si Kambing kasi natakot narin ako baka dun pa ma heart attack eh madamay pa kami.
Kambing: Pre nasusuka ko.
Darnok. Ako rin pre,(para lang maisip nya na hindi lang sya ang nasusuka)
Kambing: Suka nako pre .....Bwaaaaaaaak
Nasuka narin ako kasi nakita ko yung suka ni kambing, may mga kanin kanin pa.......
Moral Lesson....Wag uminom ng may kasamang may problema. At kung sakaling masuka ang kasama wag tumingin para wag kana rin masuka.

Chapter 4
Location: Office..Lunch time
Araw araw wala na talagang ginawa tong si pareng kambing kundi abangan lang ang lunch time. Halata naman kasing wala syang ginagawa sa pwesto nya kahit hirap na hirap syang mag panggap na busy. Minsan nga kahit na pag huhugas ng pinggan sa pantry room pinapatos na nya malibang lang ang sarili...
Kambing. Pare ano ulam ngayon?
Darnok. Ahhh.Isda..
Kahit na alam kong manok ang ulam sinabi kong isda ma loko lang si kambing.
Pag katapos ng ilang minuto. Balik si Kambing.
Kambing. Langya pare manok pala ulam eh.
Darnok. Ganun talaga brod.
Hindi namin alam ni pareng Babu bakit gustong gusto naming niloloko si kambing. Minsan nga talagang nag iisip pa kami ng kung ano anong kwento na hindi totoo mapag tripan lang sya.
Sample...
Question ni Kambing. Kumain na kayo pare?
Answer. Hindi pa eh.
Ang totoo. Kalahating oras na kaming tapos kumain.
Question ni Kambing. Laro tayo mamaya mga pre.
Answer. Sige oo ba mamaya.
Ang totoo. Matutulog na kami.
Question ni Kambing. Pare nakuha nyo na yung blanket nyo.
Answer. Hindi pa nga pare eh. Naubusan kami. Mag reklamo tayo.
Ang totoo. Nasa kwarto na yung blanket namin.......
Question ni Kambing. Pare pumapayat nko noh? Mukhang tao na ko ngayon.
Answer. Oo nga pare eh.
Ang totoo......Alam mo na sagot...totoong pumayat na si Kambing, ang tanong na nag mukha na syang tao ang pinag iisipan pa namin hanggang ngayon kung dapat ba naming syang sagutin ng totoo.

Chapter 5
Location. Room
Title. A love story ng isang Kambing
Akalain nyo nga naman kahit kambing pala may love story rin. At nag kaasawa sya ha. Sa lahat siguro ng chapter dito lang siguro matutuwa si kambing kasi tungkol to sa napakalaking tagumpay nya sa buhay. Ang mag kaasawa.
Kambing..tok tok tok
Pareng Babu. Uy pare pasok
Dahil sa wala kaming mapag tripan at mas yado pang maaga para matulog pinilit naming mag kwento si kambing.
Darnok. Pare kwento ka naman yung tungkol sa mga istorya mo.
Kambing. Ah yung sa akin yung tungkol sa asawa ko kung pano kami nag kakilala? Ganito yun......
Isang araw kumakain kasi ko ng damo nun ng biglang.........blahh blahhh blahhh..................................................................................................................... after 1 oras 35 minutes and 48 seconds....natapos din. Ang ending nagkaasawa si kambing kasi bumabyahe sya mula Manila hanggang Cavite araw araw mag dala lang ng bulaklak sa nililigawan nya. Tuwang tuwa siguro yung flower shop na binibilan nya nung mga panahon nayon. Ang naisip ko nun buti na lang pala hindi taga Bicol o Palawan ang niligawan nya.




Chapter 6
Location. Office
Naisip ko lang ano kaya merong tula ang isang kambing tungkol sa buhay nya ganito siguro yun.
Ang mabuhay na isang kambing
(A life of being a goat)
Ang hirap palang mabuhay sa mundo lalo nat na trap ka sa isang katawan ng tao pero isa kang kambing. Araw araw iniisip ko ang dami namang pwedeng tamaan ng kamalasan bakit sakin pa na sakto gayong isang porsyento lang naman ang tsansa. Naaalala ko nga nung bata pa ako, mahal na mahal ko si Josie, pero ano ang tinadhana saming dalawa? Pilit man naming paglapitin ang aming sarili ay may mga humahadlang sa amin. Masaya kami nuon at walang problema sabay kaming kumakain, nanonood ng cartoons, nag lalakad sa labas at namamasyal. Pero ano? Hindi man lamang nabigyan ng pagkakataon na ipakita naming sa mundo ang aming pagiging mag kaibigan. Tandang tanda ko pa hapon ng martes nun ng mapansin kong matamlay si Josie. Hindi sya dati ganun, si Josie ay masayahin at laging active. Malungkot sya,tila ba may dinaramdam na sakit. Gusto ko sanang kausapin sya para tanungin ngunit tila ba gusto nya lamang mag isa. Nangamba nako nun at gusto ko na syang dalin sa pinaka malapit na ospital subalit huli na ang lahat. Pumanaw si Josie saking mga kamay. Parang ito na yata ang katapusan ng mundo ko. Kung maibabalik ko lamang sana ang panahon, hindi ko nalamang sana pinakain si Josie ng buto ng manok. Sino ba naman kasi ang mag aakala na bawal pala sa aso ang chicken bones. Tanga ako at mahina. Para bang isa akong butil ng munggo na kasama ng mga bituin sa langit. Walang ningning at kislap. Minsan nangangarap ako na ipanganak na lang ako muli at maging smileys atleast lagi akong nakangiti, o kaya toothpaste para lagi akong happie, o gilette para kahit paano ahit pogi, o newspaper para araw araw merong bago sakin. Kasalanan ko ba kung minsan i try kong gamitin ang Sunblock sa gabi? Eh sa ayokong umitin ano ang masama sa ginawa ko? Lahat na lang ba sakin ay mali? Masama bang mag celebrate ng good Friday tuwing martes? Bakit ano ba ang meron ang byernes na wala sa martes? Bakit kailangang gabi lagi ang dinner? Bakit lalake lang ang pwedeng mag patubo ng balahibo sa kili kili? Ano ba ang apelido ni Garfield? Mali bang i lock ang gate namin at iwanan ang susi sa loob ng bahay? Mali bang mag swimming ako na naka jacket para huwag lamigin? Ang Kambing .................
Para sayo pareng kambing........







3 comments:

Dado Batista said...

nkakatakot c kambing

AKI STRIKE said...

nice/

Anonymous said...

gago k tang ina mo